Tuesday, November 2, 2010

Home Alone

Ito na ang simula ng aking pagdada bilang solo kid ng aming tahanan.

Hindi na bago sa akin ang iwanan ng lahat. (Drama ng bitaw..) Madalas wala ang aking lolo sapagkat naroon siya sa malayo kasama ang aking kapatid at pinsan magmula nang iwan silang dalawa ng kanilang magaling na kasambahay na bisaya kaya napilitang lumuwas paminsan-minsan na nagmumukha nang madalas ang aking super lolo. (Nakahinga ka ba? Intentional yun pare.) In all fairness sa kasambahay nila, sweet siya magluto, mabait, mahinhin. Ewan lang namin kung bakit hindi na niya naisipang bumalik. Eh, bayad naman siya. Siguro napuno na sa kalokohan ng aking kapatid at pansin. Baka hindi na niya kinaya ang dalawa at naloka na siya nang tuluyan. Kahit naman ako mababaliw sa mga yun. Try mo.. (said sa tono ng Nescafe TV ad) Madalas ding wala ang pamilya ng aking tito dahil natutulog sila sa ibang bahay. Haha Hindi namin sila pinalayas pero dun talaga sila sumisingit tuwing gabi. Tama, dun sa bahay nila na hindi naman kalayuan sa amin. Malamang singkwenta hanggang animnapung steps lang ay makikita mu na sila. Ganyan kami ka-close. :))

Anyway, dumako naman tayo sa ewan. Ewan ko kung san tayo dadapo. Hindi naman tayo paru-paro at mga tutubi. Bakit tayo dadapo? Haha Mag-isa ako ngayon dahil sa mga rasong inilahad ko sa taas. Isa pang dahilan pala ay ang tatay ko at dalawang kapatid ay natutulog sa kampo nila sa isang barangay pagkatapos ng amin. Hindi din kalayuan, pwedeng i-bike. Ang mahal kasi kung sasakay ka pa ng tricycle. Minsan pa abuso ang mga driver. Gusto kung isaksak sa baga nila yung limang pisong baryang ipinagkait nila sa aking mumunting wallet na pag nakita tila barya lamang talaga ang kasya. Tactics yan para hindi ka magmukhang mayaman at manakawan. Ang feeling noh? Parang may pera talaga.. Pero ganyan talaga. It's all in the mind. Sabi nga, what your mind can conceive, the body can achieve. Isipin mo mayaman ko, it will show. Huwag lang palibre mga kakosa at kabaru mo. Nakow! Patay kang bata ka. Teka? San na ba tayo? Ewan niyo? Dapat lang. Ako kaya ang driver dito. Akalain niyo. Hindi naman ako lisensado pero kaya kong imanubela ang utak niyo kung san ku sila gustong papuntahin. That's how writers work. Dinadala nila ang kanilang mambabasa sa kanilang pinapaburan. Hindi na bale kung tama man o mali ang landas na pinapatahak sayo. Ang importante, nababasa ka at sa huli padin naman ay nasa mambabasa kung panu niya pagagalawin ang mga bagay sa mundo niya at siya din bahala kung paano niya paiikutin ang mundo nito. Ang writer anjan lang yan sa mga tabi-tabi. Minsan kapupulutan mo ng aral. Minsan din kapupulutan mo ng kabalbalan. Basta marunong kang lumugar, wala kang magiging problema. Kung magkaroon ka man, kaya mong sanggahan dahil diba nga, nasa tamang lugar ka. Wala ng kokontra sayo. Kung meron man, llamado ka. Basta ba ang pagpili mo ng lugar ay may pinaghugutan at pinagbasehan. Hindi porke feeling mo yun ang tama, dun ka na. Yan ang mahirap sa pagposisyon sa buhay ng tao. Kailangan muna talagang mag-isip bago kumilos. Kasi kung hindi ka naman nag-isip bakit ka pa umaasang tatama ka din? Kahit na may tinatawag tayong "luck," hindi naman sa lahat ng oras diyan na tayo aasa. Mabuti pa, asahin natin ang ating mga sarili.

Siguro ganito talaga kapag wala kang makausap sa inyo at konti nalang masisiraan ka na ng bait. No one is an island talaga. Pero nowadays, mas nakakausap mo pa ang mga pinapagana ng elektrisidad nang mas madalas kesa sa tao na lumikha ng mga ito. Naasar ako minsan pag wala kaming mapagusapan na aking lolo kungdi ang aming problemadong pamilya. Well, ayos lang naman pagusapan basta ba hindi madalas. Parang kasi 95% ng bawat paguusap namin ay ito ang topic. Lalu na kung siya ay intoxicated. Dada siya nang dada about this and paulit-ulit lang naman. Haha Pero dahil mabait akong apo, pinapakinggan ku siya. Naisip ko, siguro, sa tagal na nang pananatili niya dito sa earth, at matagal na siyang breadwinner ng aming pamilya, ngayon lang siya nagkaroon ng oportunidad na magsabi ng sentimyento, kahit na hindi niya marecognize na chances na pala ang mga yun. Mahalaga, narecognize ko ang mga yun at yun ang mga pinanghahawakan ko kung bakit hindi ako nagsasawang makinig sa kanya. Diba? People need someone to hear their sentiments in life. Nakakafrustrate talaga ang mundo. Sinong magsasabing napakadaling mabuhay? In my honest opinion, no one would say a thing unless naexperience niya ang real essence of life. Hindi ko din alam kung paano ieexplain ang "real essence of life" pero palagay ko mararamdaman mo naman yun at paparamdam ito sayo ni God. I know we're becoming theoretical here pero ganyan talaga. Sa aking pananaw, ganyan lamang talaga. Don't you think the same way too? Hindi ako yung tipo ng tao na sobrang malapit kay God, pity me, pero as a human being, I have my mind and own rationales. Siguro, in my case, ganyan talaga ang mabuhay. No further explanations, justifications and sorts.

Buti nalang nakonsumo ng blog ang ilan sa oras sa araw na ito. Sadyang napakahaba ng gabi para sa akin. Malamang puyat nanaman ang aabutin ko nito dahil sa mga ganitong pagkakataon, mas mapagmatyag ako at mas sensitive sa aking kapaligiran. Tama, Matanglawin nga. Idol ko si Kuya Kim e. Haha I hope I'll get through the night just fine. Samahan niyo akong magdasal na sana ay umaraw kagad, maganda din sana ang gising, dahil mageenrol pa ako bukas ng 10am. Pasukan na naman.. Pasakit na naman. Yan ang life. Pasakit minsan but it teaches us the greatest lessons on earth that we'll never learn inside the typical classroom. Masaya lang. Makikita ku nanaman ang magugulo ngunit mahal kong Comm3. Mamimeet ku na ang aming bagong guro na according to some sources ay councilor daw ng isang bayan sa Olongapo. How interesting?! Pero siguro, hanggang dito na muna ang dakdak ko. Usap tayo minsan. Huwag kang magulo. Umayos tayo sa buhay natin. Magsikap. Iboto ako. Haha Kabaliwan lamang. Pagbigyan.. :))

No comments:

Post a Comment